Crime rate sa Metro Manila bumaba – NCRPO
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ng 19.61% ang crime rate sa Metro Manila sa buwan ng Enero 2025.
Ayon kay NCRPO acting chief Brig. Gen. Anthony Aberin nitong Linggo, naitala ang 451 kaso ng krimen laban sa mga tao at ari-arian sa unang buwan ng taon, mas mababa ng 110 kumpara noong nakaraang taon.
Malaki ang ibinaba ng kaso ng panggagahasa na 46.49%, physical injury na 37.14%, homicide na 28.57%, murder na 17.65%, at pagnanakaw na 23.05%.
Naitala rin ang 92.46% para sa crime clearance efficiency at 72.73% para sa crime solution efficiency.
- Latest