^

Police Metro

Dalagita nadiskubreng patay sa loob ng bahay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na dalagita na may isang linggo na umanong mag-isa lang sa kanilang tahanan sa Angono, Rizal ang natagpuang patay, kamakalawa.

Kinilala lamang ang biktima na si alyas ‘Jas,’ 16, Grade 11 student, residente ng Kaluwalhatian Village sa Brgy. San Isidro, sa Angono.

Sa ulat ng Angono Municipal Police Station, alas-10:50 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Bago nadiskubreng patay ay may isang linggo nang mag-isa lamang sa bahay ang biktima dahil ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang pintor sa Calamba City, Laguna, habang ang kanyang ina ay isa namang overseas worker sa Saudi Arabia.

Nagtaka naman ang ama ng biktima dahil ilang araw na niyang tinatawagan at tsina-chat ang anak ngunit hindi ito sumasagot kaya’t inutusan ang isang kaanak na alamin ang sitwasyon ng anak.

Pagdating ng kaanak ay sarado ang pinto ng bahay ngunit may masangsang na amoy at buksan ang pinto ay bumungad ang bangkay ng biktima na nasa loob ng kanyang silid.

RIZAL

ANGONO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->