Kelot pinatay; bangkay itinapon sa highway
MANILA, Philippines — Isang lalaki ang pinagbabaril ng hindi pa kilalang salarin na kung saan ang bangkay ay itinapon sa gilid ng highway sa Teresa, Rizal kamakalawa.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan lamang na may taas na hanggang 5’5”, payat, maputi, may tattoo ng Sputnik sa kanyang balakang at nakasuot ng printed na itim na t-shirt at itim na basketball short.
Sa ulat ng Teresa Municipal Police Station, alas- 6:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng lalaki sa gilid ng highway sa Sitio Buhangin, Barangay Dalig, sa Teresa.
Ayon sa pulisya, ilang concerned citizen ang tumawag sa kanilang tanggapan at inireport ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Latest