^

Police Metro

4 mag-anak, utas sa sunog sa Bataan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi, kabilang ang 3-anyos na babae sa sumiklab na sunog sa dalawang palapag na bahay sa Balanga City, Bataan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Zenaida Jose, 70; August Jose, 53; Jaimelyn Joy Manalo, 24; at Jaila Adeline Jose, 3.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, alas-4:45 nang magsimula ang sunog sa unang palapag ng bahay ng mga biktima na noon ay nasa kasarapan ng tulog sa ikalawang palapag.

Sa bilis nang pagkalat ng apoy ay nakulong ang mga biktima dahil naka-padlock ang pinto nito. Hindi pa tukoy ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

BATAAN

BALANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->