6 suspek sa kaso ng ‘missing sabungeros’, muling ipinaaaresto ng DOJ
MANILA, Philippines — Pormal na hiniling ng mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ) sa Manila Regional Trial Court (RTC) na muling arestuhin ang anim na suspek sa kaso ng pagdukot sa mga ‘missing sabungeros’ noong 2022 sa isinagawang pagdinig sa kaso noong Enero 28, 2025.
Ayon kay Prosecutor General Anthony Fadullon, na kabilang sa mga ipinaaarestong muli ay sina Julie Patidongan, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano Jr., Gleer Cordilla at Johnry Consolacion, na pawang security personnel ng Manila Arena.
Batay sa rekord ng hukuman, sila ay nakalayang pansamantala matapos na payagan ng mababang hukuman na makapaglagak ng tig-P3 milyong piyansa.
Gayunman, kamakailan ay binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang naturang ruling ng mababang hukuman na nagpapahintulot sa kanilang magpiyansa, sanhi upang hilingin na muli silang ibalik sa bilangguan.
- Latest