^

Police Metro

Digong kay Marcos: Bigyan kami ng patas na eleksyon

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan si da­ting Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Marcos Jr. na bigyan sila ng patas na eleksyon sa darating Mayo 12.

Ang panawagan ay ginawa ng dating ­Pangulo sa kanyang anunsiyo sa national coordinating meeting ng PDP-Laban senatorial candidates gayundin sa iba niyang kandidato sa lokal mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“This coming election, I hope that the President, kung marinig niya ako, bigyan niya tao ng, sabi ko nga a fair, patas lang ang laban… kagaya ko noon, ­prangka-prangka ako sa mga taong, tayo na huwag kayong pumasok sa takutan pati ‘yung sa violence,” ayon kay Duterte.

Kabilang sa mga inindorso ni Duterte na kandidato ng PDP- Laban ay sina Senators Ronald dela Rosa, Senators Christopher ‘Bong’ Go, gayundin ang abogadong si Jimmy Bondoc, Raul Lambino, Rodante Marcoleta, Jayvee Hinlo at ang aktor Philip Salvador.

Hinikayat din ng da­ting pangulo ang publiko na iboto ng straight ang nasa PDP-Laban slate.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->