^

Police Metro

Mag-ina na pinalayas ng mister natagpuang patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Wala nang buhay at bumubula ang mga bibig nang matagpuan ang isang misis at 3-anyos nitong anak na babae matapos silang palayasin ng kanyang mister, noong Miyerkules lungsod ng San Fernando, Cebu City

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Marittes Rosane Cabaluna, 41, at anak nitong si Ajalia Cabluna, 3, kapwa taga-Sityo Tamsi, Barangay Balud, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni Police chief Master Sgt. Herbert, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang nakatanggap sila ng report na natagpuan ang mag-ina sa pansamantala nilang tinitirhan na bumubula ang mga bibig.

Agad namang rumes­ponde ang mga otoridad sa nasabing lugar at nakitang ang mag-ina ay bumubula ang mga bibig at hindi na guma­galaw pa.

Isinugod sa ospital ang mag-ina at idinekla­rang patay ng mga doktor.

Isasailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng mag-ina para malaman ang sanhi ng kanilang pagkamatay o kung totoong uminom ng lason ang mga ito.

Nabatid na alas-6:00 ng hapon ng Enero 28, 2025, nakainuman pa ni Marittes ang kanyang kaibigan na si Dorlyn Cabillo at stepson nitong si CJ Bolo, 15, habang masaya namang naglalaro ang kanyang anak.

Dagdag pa ng pulisya, inireklamo ni Maritess ang kanyang mister na si Victor Bolo, tricycle driver, nang pananakit lalo na kapag ito ay nalalasing hanggang sa pinalayas siya nito kasama ang anak.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with