^

Police Metro

Lolo na nagpapahinga pinalakol ng pamangkin, utas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang isang 71-anyos na lalaki matapos palakulin sa ulo ng kaniyang pamangkin na habang nagpapahinga sa duyan, naganap noong Martes ng gabi sa Kiblawan, Davao del Sur.

Ayon sa ulat noong Huwebes, Enero 30, 2025, nangyari ang krimen bandang alas-7:00 ng gabi noong Miyerkules, ­Enero 28, kung saan napag-alamang ­lasing umano ang 52 taong gulang na suspek.

Ilang saksi rin ang nagsabing agad umanong tumakas ang suspek matapos tagain ang biktima.

Agad nagkasa ang pulisya ng hot pursuit operation kung saan nasakote rin ang suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpatay sa kanyang tiyo.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->