4 sa 10 estudyante sa kolehiyo humihinto
MANILA, Philippines — “Dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang pinakamahihirap na estudyante bilang mga benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) matapos lumabas sa Year Two Report ng Second Congressional Commission na 39% o 4 sa 10 estudyante ang huminto sa kolehiyo.
Ito ang iginiit ni Sen. Win Gatchalian dahil mataas ang nasabing bilang lalo pa’t meron ng Free Higher Education Law.
Nakakabahala aniya ang ulat na ito at dapat magkaroon ng naka-target na mga interbensyon upang matiyak na makumpleto ng mga mag-aaral ang kanilang edukasyon, hindi lamang magkaroon ng access dito.
Ayon sa ulat, para sa School Year 2022-2023, wala pang 1% lamang ng mga benepisyaryo ng TES ang mula sa mga sambahayan ng 4Ps, na labag sa layunin ng batas na suportahan ang pinakamahihirap na estudyante.
Ito aniya ang dahilan kaya tumaas naman ang bahagi ng mga TES grantees mula sa pinakamahihirap na sambahayan sa 27% para sa School Year 2023-2024. Ang patakarang ito ay magpapatuloy para sa taong 2025.
- Latest