^

Police Metro

Lalaking pugot ang ulo, natagpuan

Jorge Hallare - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Isang lalaki na pugot ang ulo ang natagpuan sa tabi ng Zigzag Road, Brgy. M. R. Espinosa, Milagros, Masbate kama­kalawa ng hapon.

Inilarawan ang walang ulong biktima na nakilala sa suot nitong maroon sweatshirt at gray na jogging pants na si “Randy”, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Buenavista sa bayan ng Uson.

Sa ulat, ala-1:45 ng hapon ay nagulat ang ilang mga motorista at residenteng dumaraan sa naturang kalsada nang tumambad sa kanila ang nakabulagtang bangkay ng lalaki na walang ulo na nakatihaya sa damuhang bahagi ng kalsada.

Pinaniniwalaang pinaslang ito sa ibang lugar at posibleng itinapon lang ang bangkay sa naturang lugar. Patuloy ang paghahanap ng ulo ng biktima.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with