8-anyos pinakabatang nabuntis – PopCom

Fourteen-year-old Maria (not her real name) stays at home in Payatas, Quezon City after she stopped attending school due to her pregnancy, in this photo taken January 17, 2025.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inamin ng Commission on Population and Development (PopCom) na lubhang nakakabahala na ang lumalaking bilang ng mga kaso ng pagbubuntis sa murang edad kung saan, ang pinakabata ay isang walong taong gulang na nangangak sa lalawigan ng Sulu noong 2023.

Ayon kay PopCom Deputy Executive Director Lolito Tacardon sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Sen. Win Gatchalian, lubhang nakakabahala na ang lumalaking bilang ng mga kaso ng pagbubuntis sa murang edad.

“Actually, ang nakakalungkot in 2023 may naitala na live birth na younger than 10, 8 years old in Sulu,” pahayag ni PopCom Deputy Executive Director Lolito Tacardon sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education sa kaso ng teenage pregnancies.

Base sa datos ng Civil Registry and Vital Statistics, ibinunyag pa ni Tacardon na noong 2023, naitala ang 11,497 live births sa mga edad 10 hanggang 15 taong gulang habang 54,510 live births sa mga 17-anyos pababa habang 23,260 live births naman ang repeat pregnancy.

Noong 2012, naitala ang teenage ­pregnancy cases sa 209,000 na ­bumaba sa cv142,000 noong 2023. Subalit ang kaso ng mga edad 10-14 yrs old na nabuntis noong 2023 ay naitala sa 3,342 mula sa 1,629 noong 2013.

Kaugnay nito, inihayag ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo na dapat ding pag-isipang agahan ang pagtuturo kaugnay sa puberty sa halip na simulan ito sa 11-anyos.

“Hindi dapat nabubuntis ang bata. Ang bata ay dapat nag-aaral, ang bata ay dapat lumalaki… hindi siya dapat nagdadala ng isa pang bata…”, ani Domingo.

Show comments