^

Police Metro

Binatilyo nalunod sa ilog sa Cavite

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakauwi ng bahay ang isang 13-anyos na estudyante makaraang malunod nang mahulog sa ilog habang naglalaro kasama ang ilang kaklase, kama­kalawa ng hapon sa The Villas Subdivision, Barangay San Agustin I, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si David Acuin, residente ng Barangay Sta. Cruz 2, Dasmariñas City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-5:00 ng hapon ay nagkayayaan ang magkakaklase kasama ang biktima na maligo sa nasabing ilog.

Habang pababa ng ilog ay nagkakabiruan at mga naglalaro ng kabayo-kabayuhan nang di umano’y aksidenteng madulas ang biktima at tuluy-tuloy na nahulog sa ilog.

Tinangka pa ­umano itong tulungan ng kaniyang mga kaklase, subalit dahil sa malalim ang ilog ay hindi ito nakayanan.

Agad na humingi ng tulong sa ilang dumaan at nang maiahon ang biktima ay agad itong itinakbo sa Pagamutan ng Dasmariñas, subalit namatay rin habang ginagamot.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with