^

Police Metro

Mga kandidato na pro-China, ‘di dapat iboto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Hindi dapat iboto ng mga Pilipino ang mga kandidato na pro-China.”

Ito ang iginiit ni House Deputy Majo­rity Leader Paolo Ortega sa gitna ng panibagong panggigipit ng China sa West Philippine Sea.

Kamakailan ay napaulat ang pagde-deploy ng China sa isang sonic device laban sa Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa katubigan ng Zambales, na nagdulot ng banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga tauhan ng PCG.

Giit ni Ortega, hindi na lang ito basta usapin ng isyu sa West Philippine Sea dahil apektado nito ang ating teritoryo, pati ang kabuhayan ng mga mangingisda at ang likas na yaman sa ating katubigan.

Kaya aniya kung susuportahan ang kandidato na walang pagtindig laban sa China ay para na ring tinatanggap natin ang pangha-harass sa ating Coast Guard at panghihimasok sa ating soberanya.

Diin ni Ortega, na ang ating soberanya ay hindi ipinagbibili at sino mang kandidatong handang sumanib sa interes ng China ay walang karapatang tumakbo sa ano mang posisyon dito sa Pilipinas.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with