Cong. Erwin Tulfo namayagpag sa survey

ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo files his certificate of candidacy for the position of senator on October 6, 2024.

MANILA, Philippines — Hindi umubra ang kaliwa’t kanang pagbatikos at paninira ay lalo pang namayagpag si ­leading senatorial candidate ACT-CIS party­list Rep. Erwin Tulfo at patuloy na nanguna sa isang survey. Batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Oculum Research and Analytics sa huling bahagi ng 2024, patuloy pa rin nasa Top 1 at malaki ang lamang ni Cong. Tulfo laban sa mga katunggali niya sa dara­ting na senatorial elections sa Mayo 12, 2025. Sa survey na isinagawa nitong Dis­yembre 16-22, 2024 na pito sa bawat 10 Pinoy ang boboto kay Cong. Tulfo matapos itong magtala ng 70.8% sa mga na survey na Filipino adults na nagsabi na siya ang iboboto sa darating na May midterm elections.

Pangalawa lamang at pangatlong pwesto sina dating Senator Tito Sotto-52.3%at Ben Tulfo-50.1%; nasa ikatlo hanggang limang pwesto naman si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.-49.2% habang apat hanggang ika-pitong pwesto naman si Sen. Pia Cayetano -46.9%.

Nakatanggap naman si dating Sen. Manny Pacquiao ng 46.3% para sa ikaapat hanggang walong pwesto at ikalima hanggang walong pwesto naman si Sen. Bong Go- 44.4%. Ikaanim hanggang walong pwesto naman si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa-43.8% voting preference. Si Makati City ­Mayor Abby Binay-40.3% ay nasa ikasiyam hanggang 11th place na sinundan nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson-39.2% at Las Piñas City Rep. Camille Villar-37.5% na tabla sa ikasiyam hanggang 12 pwesto.

Ang television host na si Willie Revillame -36.2% ay nasa ika-10 hanggang 12 na pwesto.Humabol naman sa magic 12 si Sen. Imee Marcos-33.3% na nasa ika-12 hanggang 14 spot, at Sen. Lito Lapid-31.1% na nasa 13th hanggang 15th spot.Ang naturang survey ay isinagawa gamit ang face-to-face methodology sa 1, 200 adult respondents.

Show comments