^

Police Metro

Tulfo at Abalos nagsanib puwersa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang isulong ang adbokasiya para sa kaligtasan at hustisya sa Senado ay nagsanib-puwersa sina brodkaster na si Erwin Tulfo at Atty. Benhur Abalos Jr., na tinaguriang “Kakampi ng Inaapi.”

“Sa Senado, kaligtasan at hustisya ang aming misyon,” pahayag ni Tulfo, isang beteranong mamamahayag na kilala sa kanyang walang-takot na paninindigan laban sa katiwalian at pang-aabuso.

Kasama niya si Abalos, dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pananagutan sa batas.

“Kung may kasalanan, dapat managot sa batas,” ani Abalos na isang abogado at nagsilbing alkalde ng Mandaluyong City sa loob ng 15 taon.

Sa ilalim ng kanyang liderato, ­naging matagumpay ang mga barangay-based anti-drug campaigns, pagpapalakas ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad, at pagsugpo sa mga sindikato ng droga.

Nanawagan si Tulfo para sa epektibong mga solusyon na walang kiniki­lingan. Habang binigyang-diin naman ni Abalos ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos para makamit ang tunay na hustisya.

Ang Tulfo-Abalos tandem sa Senado ay naninindigan sa kanilang hangaring gawing prayoridad ang kaligtasan ng bawat Pilipino at tiyakin ang pantay na hustisya para sa lahat.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with