MANILA, Philippines — Isasara sa trapiko ang ilang piling kalsada sa lungsod Pasay upang magbigay-daan sa Sto. Niño Grand Procession ngayong araw, Enero 26.
Simula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi ay apektado ng pagsasara ang Derham Park’ F.B. Harrison (F.B. Harrison EDSA hanggang Roxas Blvd. [2 lanes] patungong MOA), Edsa, Roxas Blvd. (mula EDSA Roxas Blvd. patungong Buendia Roxas Blvd. [2 lanes] northbound), Buendia Ave., at Jalandoni St.
Nitong Sabado, Enero 25, nang magpatupad na ng pagsasara alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi ng Linggo sa F.B. Harrison St. mula Galvez St. hanggang Arnaiz Ave. (northbound) at Jalandoni St. (northbound)
Iminumungkahi sa mga sasakyang patungong Maynila na dumaan sa Diokno Blvd. at kumanan patungong Vicente Sotto at dumiretso sa Bukaneg St. hanggang P. Ocampo. Maaaring gamitin ang katulad na ruta para sa mga sasakyang patungong Baclaran o Parañaque. Maaari ring dumaan sa kahabaan ng Taft Ave. upang makaiwas sa mga saradong daan.
Magsisimula alas-3:00 ng hapon mula sa Pasay City Hall patungong Philippine International Convention Center (PICC), sa Star City open grounds ang Fiesta Del Sto. Niño 2025 ‘Grand Procession’
Libong mga imahe ng Sto. Niño ang inaasahang lalahok na magmumula sa iba’t ibang lungsod at parishes sa Metro Manila at tinatayang 30,000-40,000 mga deboto ang dadagsa.