^

Police Metro

Urdaneta city mayor at vice mayor, ‘di nagpatinag sa suspension order

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit may suspension order mula Malacañang at DILG ay kapit-tuko sa posisyon sina Urdaneta City ­Mayor Julio Rammy Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno kaugnay nang umano’y mga kasong grave misconduct at grave abuse of authority.

Sinasabi ni Mayor Pa­rayno na hindi pa nito natatanggap ang suspension order at nakabakas­yon daw siya mula January 7 hanggang January 21.

Kaugnay nito, niliwanag naman ni Pangasinan Governor Ramon Guico III, na hindi pa niya aprubado ang leave of absence ni Mayor Parayno at nagsisinu­ngaling ito sa pagsasabing mayroon siyang aprubadong vacation leave. Ayon kay Governor Guico, nagsu­mite si Parayno ng vacation leave noong Enero 7 at natanggap ng kanyang tanggapan ang aplikas­yon noong Enero 8 pero pinagsusumite muna niya ito ng mga sumusunod na mga requirements bago aksyunan ang inihaing vacation leave.

Magugunita noong January 3 ngayong taon, pinirmahan at nagpalabas ng 1 year suspension order laban sa dalawang Parayno si Executive Secretary Lucas Bersamin, matapos mapatunayang liable ang dalawa sa naturang mga kaso nang tanggalin sa puwesto bilang Pangulo ng Liga ng mga Barangay si Punong Barangay Michael Brian Perez noong 2022, ang complainant sa kaso na naisampa sa Malacañang.

Sinasabing walang hurisdiksyon ang mga Parayno na tanggalin si Perez bilang Liga ng mga Barangay President dahil ito ay trabaho ng Provincial Liga Office.

SUSPENSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with