Trike driver utas, 2 estudyante sugatan sa pamamaril
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang tricycle driver habang sugatan ang dalawang estudyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang sinasakyan nilang tricycle sa Barangay Paharang East, Batangas City, Huwebes ng hapon.
Kinilala ang nasawing trike driver na si “Catalino” na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.
Sumalpok ang tricycle sa madamong bahagi ng kalsada na nagdulot naman ng pagkasugat ng dalawang pasaherong estudyante at agad na naisugod sa ospital.
Ayon kay Police Lt. Col. Aira Morello, hepe ng Batangas City Police, alas- 2:45 ng hapon nangyari ang pamamaril matapos sunduin ng tricycle driver ang apat na estudyante mula sa elementary school para ihatid sa Barangay Bilogo.
Mabilis na nakatakas ang mga suspek patungo sa bayan ng Taysan na ang drayber ay nakasuot ng puting t-shirt habang ang backrider ay nakasuot ng light brown na t-shirt at pants.
Inaalam pa rin ng mga otoridad kung ano ang motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga gunman.
- Latest