MANILA, Philippines — Tatlong pelikula na tumatalakay sa responsible gaming ang inilunsad ng DigiPlus at BingoPlus foundation na Pusta de Peligro short films na inilunsad sa Cinema 11 ng Gateway sa Quezon City na bahagi ng kanilang national conversation para sa responsible gaming.
Ang tema ng mga palabas ay “Pag Pusta de Peligro na, pause muna dahil ang gaming dapat fun fun lang.” Tatlong short films ang ipinalabas upang itaas ang kamalayan ng publiko na ang gaming ay stress free, financially safe at tunay na entertaining.
Ang mga kwento sa mga short films ay hango sa mga real life scenarios na nagpapakita ng transition ng isang manlalaro mula sa level ng fun hanggang risky.
Itinaas ng Digiplus ang mga tools ng kanilang mga online games upang magkaroon ng responsible gaming campaign nito sa pamamagitan ng pag-integrate ng self exclusion feature sa kanilang platform.
Ibig sabihin, ang mga players ay binibigyan ng tools upang makontrol ang kanilang playing habits. Kasama rito ang daily gaming duration, pag-customize ng daily gaming schedule para malimitahan ang pagkagumon sa gaming.
Sa pamamagitan nito, mag-i-enjoy ang mga gamer na di nakakaramdam ng financial stress.