Higit P34 milyong vape products, sinunog
MANILA, Philippines — Sinunog ang tinatayang P34-milyong halaga ng nakumpiskang vape products sa Cavite, iniulat ng Bureau of Customs (BOC) nitong Biyernes.
May kabuuang 159,830 piraso ng vape products ang naabo na sa isang pribadong pasilidad sa Cavite noong Enero 17 at 20, 2025.
Ito’y matapos ang pagpapalabas ng mga warrant of seizure at detention para sa paglabag sa Republic Act No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), na ipinatupad ng Department Administrative Order No. 22-16 ng Department of Trade and Industry at Section 1113 (f) kaugnay sa Section 117 ng Customs Modernization and Tariff Act.
- Latest