^

Police Metro

17 Pinoy seaman hinostage ng Houthi, pinalaya na

Gemma Garcia - Pang-masa
17 Pinoy seaman hinostage ng Houthi, pinalaya na
A grab from handout footage released by Yemen's Huthi Ansarullah Media Centre on Nov. 19, 2023, reportedly shows members of the rebel group during the capture of an Israel-linked cargo vessel at an undefined location in the Red Sea. Israeli ships are a "legitimate target", Yemen's Huthi rebels warned on November 20, a day after their seizure of the Galaxy Leader and its 25 international crew following an earlier threat to target Israeli shipping over the Israel-Hamas war.
AFP / Ansarullah Media Centre

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ligtas nang napalaya ang 17 Pilipinong tripulante ng M/V Galaxy Leader, isang komersyal na barko na sinamsam ng mga rebeldeng Houthi ng Yemen noong Nobyembre 2023.

Ang mga Pilipinong marino, kasama ang iba pang tripulante mula Bulgaria, Ukraine, Mexico, at Romania, ay nasa pa­ngangalaga na ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa Muscat, Oman. Malapit na silang makauwi upang makapiling ang kanilang mga pamilya.

Nagpasalamat si Marcos kay Sultan Haitham bin Tarik ng Oman at sa kanyang administrasyon sa matagumpay na negosasyon na nagresulta sa pagpapalaya ng mga tripulante.

Pinuri rin niya ang mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor sa Pilipinas na nagtrabaho nang walang tigil sa loob ng 429 araw mula nang makuha ang barko.

Ang M/V Galaxy Leader, isang Bahamas-flagged vessel na inuupahan ng Japan’s Nippon Yusen, ay sinamsam ng mga Houthi commando noong Nobyembre 19, 2023, at dinala sa Hodeidah, Yemen.

FREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with