^

Police Metro

Singaporean actor nabudol ng P1.5 milyon ng Pinay sa dating app

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang beteranong Singaporean actor na si Laurence Pang, 78, ang nabiktima ng online scam kung saan nawalan siya ng halos P1.5 milyon nang mabudol siya ng Pilipinang nakilala niya sa dating site.

Tinukoy ni Pang ang Pinay na nagngangalang ‘Mika’ na nakilala niya sa dating website na “PinaLove”, isang kilalang platform para sa paghahanap ng mga dayuhan ng Pinay girlfriend.

Nahikayat umano siya ni Mika na mag-invest ng libo-libong dolyar upang maging reseller ng iba’t ibang produkto sa pekeng online na negosyo na nag-ooperate sa pekeng bersyon ng Japanese e-commerce platform na ‘Rakuten’.

Aniya, sa una ay tila lehitimo ang mga transaksyon sa platform at mabilis ang benta. Pero napagtanto ni Pang na naloko siya nang hindi niya ma-withdraw ang kaniyang kita. Naniniwala umano siya na peke ang mga customer at gawa-gawa lang ang kompanya.

Nang subukan naman niyang itigil ang pagbebenta, bigla rin daw muling nai-post ang kaniyang mga produkto nang walang pahintulot.

Kalaunan, nakapag-video call naman si Pang kay Mika at nakakuha siya ng screenshot sa tunay nitong mukha.

Natuklasan nito na malaki ang pagkakaiba sa mga larawan dahil sa ginawang edit na unang nagpahulog ng loob niya kay Mika. Dito nakumpirma ang panloloko nito.

SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with