^

Police Metro

Magnanay timbog sa P170 milyong shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang mag-ina matapos matuklasan ang P170 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa kanilang sasakyan sa Pier 5, Cebu City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina ‘Edward’, 41-anyos,truck driver mula Leyte at ina nito na si ‘Edna’63,na residente sa Barangay Ermita.

Tumanggi umano ang mag-ina na sumailalim sa karaniwang inspeksyon gamit ang narcotic K-9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7) at iba pang ahensya sa seaport interdiction unit

Nagresulta naman ang kanilang kahina-hinalang kilos sa pagpigil sa kanila ng mga otoridad. Na-detect ng K-9 dog na si ‘Bayani’ ang laman ng malaking kahon sa loob ng sasakyan.Tumambad ang 25 pakete ng hinihinalang 25 kilo ng shabu at tinatayang nasa P170 milyon ang halaga.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with