Walang bagyo na inaasahan sa Pebrero - Pagasa
MANILA, Philippines — Maaaring wala o may isang bagyo ang maaaring tumama sa bansa sa susunod na buwan nang Pebrero ngayong taon.
Ito ang sinabi ni Ms. Ana Solis, Head Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA sa QC Journalist Forum kaugnay nang nararanasang panahon sa ngayon.
Anya tulad ngayong pagtatapos ng Enero, maaari ring wala o may isang bagyo ang dumaan sa bansa.
Sinabi ni Solis na patuloy na mararanasan ang La Niña Phenomenon sa bansa kaya’t oras na makaranas ng ulan sa bansa ay maaaring mas marami ang maranasang pag-ulan sa bansa.
Sa ngayon anya, umiiral pa rin ang amihan na isang weather disturbance na nagdadala rin ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng easterlies at shearline. Sa pag-iral anya ng tatlong weather disturbance sa panahon ng La Niña ay asahan na ang malalakas na pag-ulan.
Anya dulot ng mga umiiral na weather disturbance sa bansa, agad silang nagpapaalala sa Department of Agriculture (DA) ng mga maaaring pananim ang mas higit na mapalalaki sa iba’t ibang uri sa bansa.
Sinabi ni Solis na ang pagbabago ng Klima at mga nararanasang kalamidad sa bansa ang isa ring ugat ng pagtaas ng bilihin sa ngayon dahil apektado nito ang mga pataniman.
- Latest