MANILA, Philippines — Isa pang barko ng China Coast Guard (CCG) ang lumipat malapit sa baybayin ng Zambales.
“In a significant development early this morning, CCG-3304 was replaced by another Chinese vessel, bow number 3103,” ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela.
Mas maliit aniya ang naturang barko ngunit mas malaki pa rin ito sa BRP Suluan, na siya namang idineploy ng PCG upang magmonitor sa presensiya ng mga Chinese sa lugar, kapalit ng BRP Gabriela Silang.
Tiniyak pa ni Tarriela na sa kabila ng malalaking alon, masusi pa ring minu-monitor ng BRP Suluan, na isang 44-meter multi-role at response vessel, ang barko ng China at hinahadlangang makalapit pa sa Zambales.