^

Police Metro

Trader patay sa 4 ‘akyat bahay’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Misis, 2 anak sugatan...

MANILA, Philippines — Isang 62-anyos na negosyante ang patay habang sugatan ang tatlong miyembro ng kanyang pamilya at kanilang kapitbahay matapos looban ng apat kalalakihan na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang kanilang tahanan sa Quezon City noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing na si alyas Rogando 62; habang sugatan ang kaniyang misis na si Lilin, 56; mga anak na sina Mathew, 22; Eunice, 29, at kapitbahay na si alyas Ibe, 44, pawang nakatira sa M.Y Homes Subdivision sa Brgy. Balingasa, Quezon City.

Sa report ng Cri­minal Investigation and Detection Unit ng Que­zon City Police District (CIDU- QCPD), bandang alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa tahanan ng mga biktima sa M.Y Homes Subdivision, sa Brgy Balingasa, sa lungsod.

Batay sa imbestigas­yon, unang pinasok ng mga suspek ang silid ng negosyante at ng kanyang misis saka tinutukan ng baril.

Narinig ni Eunice ang ingay mula sa silid ng mga magulang na nasa ikalawang palapag ay pinuntahan niya ito pero kinaladkad din siya ng mga suspek sa loob ng  silid.

Habang binubuksan ng mga suspek ang cabinet kung saan matatagpuan ang safety vault, sumaklolo ang dalawang anak ng mag-asawa at nilabanan ang mga suspek.

Dahil dito, kinaladkad ng isa sa mga suspek ang negosyante sa loob ng comfort room at iginapos saka binaril sa dibdib.

Narinig naman ng kapitbahay na si Ibe ang putok ng baril kaya agad niyang pinuntahan ang bahay ng mga biktima at nang makita ang mga suspek ay nanlaban din ito pero binaril din siya ng isa sa mga kawatan.

Tumakas ang tatlong suspek gamit ang kanilang getaway vehicle na pu­ting van habang ang isang kasama nila ay sumakay ng pedicab.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with