Pasig, gagawing Smart City

MANILA, Philippines — Nangako si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya na paghuhusayin ang buhay ng bawat Pasigueno; gagawing ‘smart city’ ang Pasig City, at lilikha ng isang pamahalaan na marunong makinig at walang sinumang mapag-iiwanan.

Si Discaya na isang negosyante, ang pinakamahigpit na makakalaban ni incumbent Mayor Vico Sotto, na tumatakbo sa kanyang ikatlo at huling termino ngunit ang kanyang umanoy istilo ng leadership at governance, ay binabatikos dahil sa umano’y pagprayoridad sa mga hindi residente ng Pasig.

Ayon kay Discaya, sa ilalim ng kanyang gobyernong may puso, walang sinuman ang mapag-iiwanan at walang komunidad o barangay ang mapapabayaan.

Nangako rin siya na pagkakalooban ang mga Pasiguenos ng mga karag­dagang imprastraktura, health insurance, lilikha ng trabaho, magkakaloob ng libreng edukasyon at low-cost housing projects.

Isang construction firm owner, nangako rin si Discaya na magpapatayo ng mas maraming imprastraktura gaya ng mga tulay at konkretong road networks na magkokonekta sa interior barangays sa mga pangunahing kalsada.

Show comments