^

Police Metro

Magkaibigan naligo sa talon, nalunod

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang binatilyo na magkaibigan ang nasawi nang malunod sa isang talon sa Baras, Rizal, kamakalawa.

Naisugod pa sa Cabading Hospital ang mga biktimang sina alyas ‘John,’ 18, ng Peñafrancia, Brgy. Cupang at alyas ‘James,’ 17, ng Sitio Central 1, Brgy. Inarawan, kapwa sa Antipolo City ngunit idineklara na ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ulat ng Baras Municipal Police Station, ala-1:00 ng hapon nang maganap ang trahedya sa Ungga Falls sa Sitio Ungga, Brgy. San Salvador, sa Baras.

Nauna rito, nagkayayaan umano ang magkaibigan at dalawa pa nilang kaibigan na magtungo sa naturang falls.

Pagdating sa lugar ay kaagad nang tumalon si James sa tubig, ngunit binalaan na mag-ingat dahil hindi pantay-pantay ang lalim nito.

Makalipas lamang umano ang ilang sandali ay nakita na nilang nagkakakawag at hindi makalangoy si James kayat agad tumalon si John upang sagipin ang kaibigan, subalit maging siya ay sinawimpalad na malunod.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with