Ex-Quezon City mayor Herbert Bautista, aide convicted sa graft
MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng mula anim hanggang sampung taong pagkabilango sina dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at kanyang dating city administrator Aldrin Cuña matapos mapatunayang guilty sa kasong graft kaugnay nang ginawang pagbili ng Online Occupational Permitting and Tracking System (OOPTS) noong 2019.
Nakasaad din sa desisyong ipinalabas ng Sandiganbayan 7th division na sina Bautista at Cuña ay hindi na maaaring makaupo sa alinmang posisyon sa gobyerno.
Hindi naman ginawaran ng Sandiganbayan na makapagmulta ang dalawa kaugnay ng kaso dahil nasa halagang P32 milyon na halaga ng kontrata ay natanggap na ng pribadong kumpanya na hindi kaalam sa kaso.
Sinasabing sa kasong ito, nagkaroon umano ng partiality sina Bautista at Cuña nang mai-award ang kontrata sa Geodata Solutions para sa OOPTS kahit na walang kaukulang pag-apruba ang QC council.
Ayon sa kampo Bautista, magsasampa sila ng motion for reconsideration kaugnay ng kasong ito.
- Latest