MANILA, Philippines — Muli na namang magpapatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong ng umaga.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng malakihang dagdag presyo na P1.65 sa kada litro ng gasolina, P2.70 sa kada litro ng diesel at P2.50 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6:00 ng ngayong umaga.
May big-time oil price hike rin sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ipatutupad naman ng kompanyang CleanFuel ang kanilang dagdag presyo dakong alas-4:01 ng hapon.
Ito na ang ikatlong taas presyo sa mga produktong petrolyo simula pagpasok ng taon 2025.
Ang ipapatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.