^

Police Metro

Bulkang Kanlaon, tatlong beses nagluwa ng abo

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bulkang Kanlaon, tatlong beses nagluwa ng abo
Kanlaon Volcano spews ash from 3:08 a.m. to 6:15 a.m. on Thursday, Jan. 16, 2025.
Phivolcs via Facebook / Philstar.com's screenshot

MANILA, Philippines — Sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon sa Negros, tatlong beses na naitala ang ash emissions sa naturang bulkan na may 23 minuto ang tinagal.

Ayon sa Phil Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nagtala rin ang bulkan ng 13 volcanic quakes sa nakalipas na 24 oras.

Nagluwa rin ang bulkan ng 4,434.5 tonelada ng asupre at nagkaroon ng moderate plumes na nasa 150 meters ang taas sa may timog kanlurang bahagi ng bulkan.

Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6 kilometrong danger zone at bawal din ang magpalipad ng anumang aircraft sa toktok ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, pyroclastic density current, rockfall at pagdaloy ng lahar kung may malakas na ulan.

Ang Kanlaon volcano ay nasa ilalim ng alert level 3 na nangangahulugan ng mataas na aktibidad ng bulkan.

KANLAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with