MANILA, Philippines — Nasa 68 percent ng mga botante sa lalawigan ng Abra ang nais mailuklok sa puwesto si Eustaquio “Takit” Bersamin, kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin laban kay Bangued Vice Mayor Joaquin Bernos bilang gobernador para sa nalalapit na 2025 midterm elections batay sa isinagawang survey ng market research at public opinion polling company na Tangere.
Ayon sa survey na isinagawa nitong January 13 hanggang January 15, lumabas na 68 percent ng mga botante sa Abra ay pabor kay Bersamin para mailuklok na provincial governor sa darating na halalan.
Ang kalaban namang si Bernos ay nakakuha lamang ng 25-percent voters na pabor dito habang 7 percent ng mga respondents ay undecided.
Nakakuha ng malaking pagpabor kay Bersamin ang mga botante mula sa malalaking bayan ng Bangued, Bucay, Ta-yum at La Paz.
Naging popular si Bersamin sa mga botante dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa tungkulin noong maging governor.
Lahat naman ng age groups, maging sa mga kabataang botante ay pabor kay Bersamin dulot ng mga positibong rekomendasyon ng kanilang mga magulang at mga kaanak na nakatulong sa kanilang desisyon pabor kay Bersamin.