^

Police Metro

68% botante sa Abra, nakopo ni Bersamin – survey

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 68 percent ng mga botante sa lalawigan ng Abra ang nais mailuklok sa puwesto si Eustaquio “Takit” Bersamin, kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin laban kay Bangued Vice Mayor Joaquin Bernos bilang gobernador para sa nalalapit na 2025 midterm elections batay sa isinagawang survey ng market research at public opinion polling company na Tangere.

Ayon sa survey na isinagawa nitong January 13 hanggang January 15, lumabas na 68 percent ng mga botante sa Abra ay pabor kay Bersamin para mailuklok na provincial governor sa darating na halalan.

Ang kalaban namang si Bernos ay nakakuha lamang ng 25-percent ­voters na pabor dito habang 7 percent ng mga res­pondents ay undecided.

Nakakuha ng mala­king pagpabor kay Bersamin ang mga botante mula sa malalaking bayan ng Bangued, Bucay, Ta-yum at La Paz.

Naging popular si Bersamin sa mga botante dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa tungkulin noong maging governor.

Lahat naman ng age groups, maging sa mga kabataang botante ay pabor kay Bersamin dulot ng mga positibong rekomendasyon ng kanilang mga magulang at mga kaanak na nakatulong sa kanilang desisyon pabor kay Bersamin.

VOTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with