MANILA, Philippines — Pinuna nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab ang mga pagkakaiba sa ulat ng bicameral conference committee sa kamakailang naaprubahang 2025 national budget.
Sa isang panayam na ibinahagi ng SMNI sa social media nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Ungab na may mga nawawalang halaga ng badyet para sa mga item sa ilalim ng Department of Agriculture at mga unprogrammed appropriations at ang mga blangko ay hindi maituturing na typographical, grammatical, o printing error.
“These are not, I would say, ordinary figures, because these figures are billions of pesos… Maraming pages ‘yung ganito… Ang ibig sabihin merong discrepancy, so paano nagka-discrepancy?”ani Ungab.
Sinabi naman ni Duterte na ang mga items sa natioanl budget ay hindi dapat iniiwanang walang laman na kalaunan ay lalagyan na lamang ng pondo.
“Pagka ganoon, there’s something terribly wrong... As a matter of fact, I would say kung may mga blanko ‘yan na lumusot, that is not a valid legislation. Kung nasa batas na ‘yan, lumabas na ‘yan ng blanko-blanko, either it could be filled up before or after sa Congress… Pagka putol-putol ‘yan o kulang, that is not a valid budget for implementation,” ani Duterte.
Idinagdag ni Duterte na hindi lamang “inaccurate” ang budget kundi “totally invalid.”