Pangulong Marcos, Romualdez pinangunahan turnover ng natapos na Yolanda Permanent Housing

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. leads the turnover of permanent housing to Yolanda victims during his visit in Leyte on January 17, 2025
Photos courtesy of Moises Cruz | via Miriam Desacada

MANILA, Philippines — Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Martin G. Romualdez ang ceremonial turnover ng Yolanda Permanent Housing ­Program (YPHP) projects sa Leyte, isang patunay sa pagnanais ng gobyerno na muling maitayo ang mga komunidad na winasak ng super typhoon Yolanda 11 taon na ang nakakaraan.

Kasama sa event na ginanap sa Burauen, Leyte ang turnover ng mga symbolic keys sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan mula sa walong munisipalidad sa Leyte, Samar, at Biliran kung nasaan ang mga housing project.

Ang mga naturang proyekto ay bahagi ng inisyatiba ng National Housing Authority (NHA) upang mabigyan ng permanenteng bahay ang mga Yolanda survivors.

“Nagpapasalamat tayo sa Pangulo para sa patuloy na suporta sa ating lalawigan. Ang proyektong ito ay hindi lamang tungkol sa simpleng pabahay kundi simbolo ito ng pagbangon ng ating mga kababayan,” ani Speaker Romualdez.

Umabot sa 3,517 housing units ang iti-turnover sa mga pamil­yang nasalanta ng bagyong Yolanda, partikular sa mga pamilyang ­nakatira sa unsafe o no-build zones. Sa naturang bilang 1,963 na ang nai-award at inookupa na.

Ang bawat unit ay mayroong floor area na 22 hanggang 28.6 metro kuwadrado na itinayo sa 40 metro kuwadradong lupa.

Kasama sa ceremonial turnover ang pag­lagda sa Memorandum of Agreement (MOA) at Deed of Donation and Acceptance (DODA), upang pormal ng mailipat ang mga housing unit sa mga benepisyaryo.

Show comments