MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 60-anyos na ama matapos itong pugutan ng ulo at dukutin ang kanyang mga internal organs ng kanyang sariling anak kahapon ng umaga sa Tagum City.
Nabatid na nagulantang mga residente ng Barangay 1A Gapas, Barangay Madaum, Tagum City nang madiskubre ang sinapit ng Loloy Barles, 60, mula sa kamay ng kanyang anak na si Balono Barles dakong alas-6 ng umaga kahapon.
Nagtaka ang kapitbahay na nagkaroon ng gulo sa bahay ng suspek at biktima kaya tinungo ito hanggang sa tumambad ang walang ulong katawan ng biktima.
Dito na humingi ng tulong sa mga pulis ang mga residente at napag-alamang wala rin ang mga internal organ ng biktima.
Inilagay din ng suspek sa container ang organs ng biktima.
Nabatid na gumamit ng itak, kutsilyo at martilyo ang suspek sa pag-chop chop sa katawan ng ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nare-recover.