^

Police Metro

Libu-libong deboto dagsa sa ‘Lakbayaw’, Raymond Bagatsing pinagkaguluha

Ludy Bermudo - Pang-masa
Libu-libong deboto dagsa sa âLakbayawâ, Raymond Bagatsing pinagkaguluha
Masayang nakipag-groupie ang aktor na si Raymond Bagatsing na kandidatong mayor sa Maynila nang makiisa sa Lakbayaw 2025 o prusisyon ng Sto. Niño de Tondo sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Libu-libong deboto na may mga hawak na imahe ng Sto. Niño de Tondo ang dumagsa sa selebrasyon ng Viva Sto. Niño 2025 o mas kilala sa tawag na “Lakbayaw” sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Bago tumulak sa iba’t ibang panig ng Tondo ang Lakbayaw procession, alas-6 ng umaga ay nagsagawa muna ng misa sa Tondo Church na dinaluhan ng mga debotong Katoliko kabilang ang mga paslit na sinuotan ng damit ng Sto. Niño.  Mahgipit din ang pinatupad na seguridad ng mga kagawad ng Manila Police District-Station 2 sa lugar.

Sa parada na sinabayan ng mga sayaw at tugtog, kapansin-pansin ang pagkakagulo ng mga deboto para lang makalapit at magpakuha ng larawan sa sikat na aktor na si Raymond Bagatsing na tumatakbo bilang mayor ng Maynila para sa May 2025 mid term elections at ka-tandem nito si Pablo “Chikee” Ocampo.

Sa ambush interview ng mga reporters, sinabi ni Bagatsing na sabay sa pagsayaw sa mga deboto na kabilang sa kanyang platporma ay ang tunay sa pagbabago sa Maynila.

Kapag pinalad sa dara­ting na halalan, sinabi ni Bagatsing na kanyang tututukan ang mga pangunahing suliranin sa Maynila, kabilang ang pag-angat ng pamumuhay ng mga Manilenyo, ang pagtugon sa problema sa basura, at mapatatag ang pondo ng lungsod.

Sinabi ni Bagatsing na umaangat na sa survey, na kanyang isusulong ang tunay na pagkakaisa ng mga namumuno at hindi ang pagkakawatak-watak na nangyayari sa konseho.

STO. NIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with