Nutri-jeep ni Sen. Imee, namahagi ng pagkain sa prusisyon sa Tondo

Dinagsa ng mga estudyante at libong deboto ang Nutri-jeep ni Sen. Imee Marcos na nagpamudmod ng nutribun at inumin sa mga dumalo sa Lakbayaw pro- cession 2025 sa Tondo, Maynila kahapon

MANILA, Philippines — Dinagsa ng mga debotong Katoliko ang “Nutri-jeep” ni Senador Imee Marcos na maagang namahagi ng nutriban, tubig at iba pang pagkain sa pagdiriwang ng Viva Sto. Niño 2025 o Lakbayaw Procession sa Tondo Maynila kahapon ng umaga.

Ito ay upang umagapay sa mga deboto na maagang dumalo sa misa at sumama sa prusisyon ng Sto. Niño.

Bago nagprusisyon, dumalo si Sen. Marcos sa misa sa Tondo church kasama si dating Manila 1st District Cong. Manny Lopez na nakiisa sa Lakbayaw Procession.

Sa panayam kay Lopez, sa panahon na maraming problema ang Maynila, pinagsasama-sama ng Sto. Niño ang mga Manilenyo at sabay-sabay na humihingi ng gabay sa Diyos.

Nakiisa sina Marcos at Lopez sa Lakbayaw o ang Sto. Niño procession sa may libu-libong deboto na pumarada dala-dala ang mga imahe ni Sto. Niño de Tondo. Dalangin nila ang patuloy na pagkakaisa ng mga Pilipino lalo pa at maraming pagsubok ang nararanasan ng bansa.

Nagpaabot din ng kanilang pagbati at ­pakikiisa sina Marcos at Lopez sa iba pang lugar na kasabay na nagdiriwang na Piyesta ng Sto. Niño tulad ng Pandacan sa Maynila.

Show comments