MANILA, Philippines — Ilang human rights advocates at mga pamilya ng umano’y biktima ng extrajudicial killings ang nagsampa ng disbarment complaint kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.
Ani human rights group Karapatan Secretary General Cristina Palabay, hindi karapat-dapat na abogado si Duterte.
Sa kanilang reklamo, sinabi nilang nilabag ni Duterte ang Code of Professional Responsibility and Accountability at “conduct unbecoming a lawyer.”
Ayon naman kay Atty. VJ Topacio, mataas ang pamantayan ng ethics sa mga abogado at nakita naman noong nagdaang administrasyon ang lantarang pambabastos at pambu-bully umano ni dating Pangulong Duterte.
Giit ni Atty. Topacio, walang karapatan ang dating Pangulo na maging abogado nang ipakita nito kung paano niya hindi sundin ang mga proseso at balewalain ang mga batas sa bansa.
Kasama si Topacio sa mga complainant na nagtungo sa Korte Suprema nitong Biyernes para hilingin na ipa-disbar ang dating Pangulo.