Impeachment complaint kay VP Sara, bad timing – Marcos

Vice President Sara Duterte attends the House Committee on Good Government and Public Accountability's seventh hearing on Nov. 25, 2024. This is her second time appearing at the probe into her office's confidential funds, but the first time she took her oath after refusing on September 18, 2024.
House of Representatives / Released

MANILA, Philippines — “Hindi ito ang tamang panahon na para isulong ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.”

Ito ang sagot ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang ambush interview kung ano ang kanyang reaksyon tungkol sa opinyon ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile hinggil sa posibleng maging precedent kapag hindi hinayaang gumana ang nakasaad sa Saligang Batas kaugnay ng mga isinusulong na impeachment complaint sa Bise Presidente.

Subalit agad na iginiit ni Pangulong Marcos na hindi ito ang tamang panahon para tutukan ang pagpapatalsik kay Duterte.

Aniya, na best legal thinkers sa bansa si Enrile at totoo naman ang obserbasyon niya na mandato ng Kamara at Senado na dinggin ang mga reklamong impeachment laban kay Duterte.

Gayunpaman, sinabi ng Pangulo na para sa kaniya, hindi ito ang tamang panahon. Ipinunto ni Pangulong Marcos na papasok na ang bansa  sa panahon ng ­kampanya para sa nakatakdang 2025 midterm elections sa Mayo.

Mangangahulugan aniya na walang panahon na ang mga kongresista at senador na tututok para tugunan ang mga reklamong impeachment dahil sigurado aniyang mangangampanya na ang mga ito.

Tiyak aniyang hindi na makabubuo pa ng quorum para dinggin ang mga reklamo kaya malabo aniyang maaksyunan ito.

Show comments