Krimen sa Metro Manila bumaba ng 23.73%
MANILA, Philippines — Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ng 23.73% ang bilang ng krimen sa Metro Manila mula huling bahagi ng Nobyembre 2024 hanggang kalagitnaan ng Enero 2025 kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Naitala ang 768 index crimes noong nakaraang taon, mas mababa kaysa 1,007 na kaso noong 2023.
Narekober ng NCRPO ang P153.29 milyon halaga ng ilegal na droga at inaresto ang 3,806 suspek mula sa 1,518 operasyon laban sa ilegal na sugal, na may kabuuang P928,000 na nakumpiskang pustahan. Bukod dito, 352 ang naaresto dahil sa ilegal na baril at 364 armas ang nakumpiska.
Naaresto rin ang 976 most wanted na mga tao at 1,190 iba pang wanted na indibidwal. Samantala, 349,465 ang nahuli dahil sa paglabag sa mga ordinansa sa Metro Manila.
Nagpasalamat si NCRPO chief PBGen. Anthony Aberin sa suporta ng publiko at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, gamit ang “back-to-basics” na pamamaraan sa pag-iwas at paglutas ng krimen kasabay ng mga makabagong estratehiya sa pagpapatupad ng batas.
- Latest