^

Police Metro

Pangulong Marocs, NHA nagkaloob ng pabahay sa higit 3K pamilyang biktima ng bagyong Yolanda

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., kasama si National Housing Authority General Manager Joeben Tai, ang pagkakaloob ng 3,517 mga pabahay sa mga pamilyang biktima ng bagyong Yolanda sa ginanap na seremonya sa Burauen Community College, at nagsagawa rin sila ng inspeksyon sa Cool Spring Residences, Brgy. Arado, Burauen, Leyte.

Ang mga iginawad na housing unit ay matatagpuan sa Cool Spring Residences, Riverside Community Residences, Mont Eagle Ville Subdivision, Coconut Grove Village, Dagami Town Ville, at Pastrana Ville, lahat sa Leyte; sa Marabut Ville Sites 1 at 2, sa Samar; at sa Culaba Housing Project sa Biliran.

Ipinatupad sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) ng NHA, ang mga loteng may pabahay na iginagawad bilang grant o libre para sa mga kwalipikadong pamilya na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Binigyang-diin ng Pangulong Marcos  ang kahalagahan ng mga proyekto sa kapakanan at kaligtasan ng mga benepisyaryo at hini­ling din sa DHSUD at NHA na ipagpa­tuloy ang pagbibigay prayoridad sa pagbuo at pagpapatupad ng mga disenyong angkop sa climate change sa kanilang mga proyekto.

Sa kabilang banda, binigyang-diin ni GM Tai na ginagawa ng NHA ang lahat ng pagsisikap nito upang tapusin ang mga natitirang proyekto sa pabahay sa ilalim ng YPHP.

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with