‘Marites’ pinatay ng kapitbahay
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 51-anyos na ginang nang barilin ng kaniyang kapitbahay na lalaki na umano’y kanyang itsinitsismis sa Bacolod City.
Dead on the spot ang 51-anyos na ginang na nagtamo ng bala ng baril sa likod. Nabatid na nag-ugat ang krimen sa hidwaan ng suspek noon pang isang taon.
Ikinakalat umano ng biktima ang tsismis na may ibang karelasyon ang suspek na umabot pa umano ang ‘balita’ sa ka-live in ng suspek sa ibang bansa.
Ayon naman sa anak ng ginang, totoo na madalas makipag-usap ang kanilang ina sa iba nilang kapitbahay pero hindi umano ito nakikialam sa buhay ng suspek.
Patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang tumakas na suspek.
- Latest