‘Doble Plaka’ sa motorsiklo, tinanggal na

In this March 24, 2019 photo, a motorcycle rider joined a unity ride in EDSA to protest the oversized double plate number policy that was signed into law by President Rodrigo Duterte.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaprubahan, na ang pag-aalis ng kontrobersyal na “doble plaka” (double plates) na kinakailangan para sa mga motorsiklo nang amyendahan ang Republic Act 11235, na kilala bilang “Motorcycle Crime Prevention Act,”.

Kinumpirma ito ni Senate Majority Leader Francis Tolentino noong Enero 14, 2024, matapos na magkasundo ang bicameral conference committee sa House at Senate versions ng panukalang batas, na tatawaging An Act Rationalizing the Safety Measures and Penalties Relative to The Operation of Motorcycles.

Binigyang-diin ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito na mas mabuti na ang lahat ng mga motorsiklo ay magkaroon ng isang solong plaka ng maayos kaysa sa problemang dobleng plaka.

Ang desisyong ito ay matapos ang malaking backlog ng mga hindi naibigay na plaka ng Land Transportation Office (LTO), na kasalukuyang nasa siyam na milyon.

Tinatanggal din ng pag-amyenda ang isang probisyon para sa pag-install ng mga sticker ng RFID sa harap ng mga motorsiklo dahil sa mga hamon sa logistik sa LTO. Bukod pa rito, binago ang mga parusa, na may mga multa na ibi­naba mula P50,000 hanggang P100,000 hanggang sa ilalim ng P20,000 upang gawing mas makatwiran ang mga ito.

Tinataya ng PDEA na aabutin ng hanggang Hunyo 2026 para matugunan ng LTO ang backlog ng pamamahagi ng plate nang epektibo.

Show comments