^

Police Metro

5 submersible drone, nadiskubre sa iba’t ibang dako ng Pinas – AFP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabot na sa limang submersible drone ang nadiskubre sa iba’t ibang dako ng Pilipinas gaya ng nakita sa San Pascual, Masbate noong isang taon, na ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakadiskubre sa mga submersible drone.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sa mga nakitang submersible drone sa bansa ay ikalima na ang nakita sa Masbate.

Una rito ay may dalawang submersible drone ang namataan sa Calayan Island sa Cagayan at isa sa Ilocos Norte, habang may isa naman sa karagatang sakop ng Misamis Occidental sa Mindanao.

Patuloy naman ang isinasagawang forensic analysis sa mga nakitang underwater drone na pinangangambahang ginagamit sa military application.

Lumabas na ang resulta ng pagsusuri sa nakitang underwater drone sa Calayan Island, habang tatagal ng anim hanggang walong linggo ang naturang pagsusuri sa isang isinuko ng mga mangingisda sa Masbate.

DRONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with