Comelec checkpoint ‘pwedeng i-video - PNP
MANILA, Philippines — Malayang makakapag-video ang motorista o sinumang sibilyan na dadaan sa Comelec checkpoints sa anumang lugar sa bansa.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson at PRO3 Director Police Brig. Gen. Jean Fajardo na isang pagpapakita ng transparency sa proseso ng checkpoint.
Sa katunayan aniya, mismong si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang nag-utos sa lahat ng mga pulis na nasa Comelec checkpoint na magsuot ng body worn camera maliban pa sa paglalagay ng mga mobile CCTV.
Aniya, mas maganda nga kung may video dahil dokumentado ang bawat checkpoint at patunay lamang ito na wala silang itinatago.
Apela rin ni Fajardo sa publiko na makiisa, o sumunod sa Comelec checkpoint upang maiwasan ang anumang abala at gulo.
- Latest