MANILA, Philippines — Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Health Secretary Ted Barbos na tuluy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo ng PhilHealth kahit hindi nabigyan ng subsidiya ngayong 2025.
Sa ipinatawag na pulong sa Malacañang, inatasan ng Pangulo si Herbosa na siguruhing hindi mapuputol at hindi maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth sa kabila ng zero subsidy nito.
Binigyang-diin ng Pangulo sa pulong na prayoridad ng gobyerno sa 2025 national budget ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo na nakatutok sa edukasyon, pangkalusugan, serbisyong pang-ekonomiya, infrastructure at agrikultura.
Inatasan din ni Pangulong Marcos Jr. si Herbosa na mag-shift ng atensyon ang DOH sa pagsusulong ng mga hakbang upang maagap na matugunan ang mga sakit sa halip na nakatutok sa pagpapagaling sa mga taong may sakit.
Iginiit din ng Presidente sa pulong na dapat ng makasabay sa digitalisasyon ang DOH upang mapalakas at maging episyente ang paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino.