^

Police Metro

Pangulong Marcos sa DOH: Tiyakin na tuluy-tuloy serbisyo ng PhilHealth

Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos sa DOH: Tiyakin na tuluy-tuloy serbisyo ng PhilHealth
Sa ipinatawag na pulong sa Malacañang, inatasan ng Pangulo si Herbosa na siguruhing hindi mapuputol at hindi maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth sa kabila ng zero subsidy nito.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Health Secretary Ted Barbos na tuluy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo ng PhilHealth kahit hindi nabigyan ng subsidiya ngayong 2025.

Sa ipinatawag na pulong sa Malacañang, inatasan ng Pangulo si Herbosa na siguruhing hindi mapuputol at hindi maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth sa kabila ng zero subsidy nito.

Binigyang-diin ng Pangulo sa pulong na prayoridad ng gobyerno sa 2025 national budget ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo na nakatutok sa edukasyon, pangkalusugan, serbisyong pang-ekonomiya, infrastructure at agrikultura.

Inatasan din ni Pa­ngulong Marcos Jr. si Herbosa na mag-shift ng atensyon ang DOH sa pagsusulong ng mga hakbang upang maagap na matugunan ang mga sakit sa halip na nakatutok sa pagpapagaling sa mga taong may sakit.

Iginiit din ng Presidente sa pulong na dapat ng makasabay sa digita­lisasyon ang DOH upang mapalakas at maging episyente ang paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with