MANILA, Philippines — Naglunsad na ng imbestigasyon ang Department of Migrant Workers (DMW) tungkol sa maling bangkay na naipadala sa pamilya ng OFW na namatay sa Kuwait.
Napalitan ng galit ang paghihinagpis ng pamilya ng OFW na si Jenny Alvarado, na pumanaw noong Enero 2, nang madiskubre nila sa isang punerarya sa Montalban, Rizal na maling bangkay ang naipadala sa kanila.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, isang bangkay na pinaniniwalaan na mula sa Nepal ang dumating sa bansa, sa halip na ang mga labi ni Alvarado, humingi na ng paumanhin sa nangyari si DMW Secretary Hans Cacdac.
Samantala, nagtungo si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio sa pamilya ni Alvarado sa Rizal nitong Lunes, at tiniyak niya na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maiuwi sa bansa ang mga labi ng kanilang mahal sa buhay.
Magugunita na si Alvarado ay nalason dahil sa coal suffocation mula sa heating system sa kaniyang pinagtatrabahuhan sa Kuwait noong Enero 2.