^

Police Metro

Motorcycle taxi riders sa Senado: Ipasa Motorcycles-For-Hire Act

Malou Escudero - Pang-masa
Motorcycle taxi riders sa Senado: Ipasa Motorcycles-For-Hire Act
Ayon kay Motorcycle Taxi Community Philippines (MTCP), Chairman Romeo Maglunsod, na sila ay nanawagan kay Senate Committee on Public Services Chairman Senator Raffy Tulfo na unahin at pabilisin ang legalisasyon ng motorcycle taxis sa buong bansa.
The STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Isang grupo ng mga motorcycle taxi ri­ders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ang nagtipon sa labas ng Senado kahapon upang himukin ang mga mambabatas na pabilisin ang pagpasa ng matagal nang hinihintay na batas para sa mga motorcycle taxi sa Pilipinas.

Ayon kay Motorcycle Taxi Community Philippines (MTCP), Chairman Romeo Maglunsod, na sila ay nanawagan kay Senate Committee on Public Services Chairman Senator Raffy Tulfo na unahin at pabilisin ang legalisasyon ng motorcycle taxis sa buong bansa.

Iginiit niya na ang matagal nang pilot program, na nasa ikalimang taon na nito, ay isang madaling solusyon na maaaring makatulong upang mapabuti ang urban mobility at makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa ekonomiya.

Mula pa noong 2019, ang mga motorcycle taxi ay nag-ooperate sa ilalim ng isang pilot program na kinabibilangan ng mga kumpanyang tulad ng Angkas, JoyRide, at Move It, na may kabuuang 45,000 riders sa Metro Manila.

Layunin ng programang ito na suriin ang viability at kaligtasan ng motorcycles-for-hire bilang isang pampublikong transportasyon.

Ayon pa kay Maglunsod, ang pagpasa ng MC Taxi Law ay makakapagbigay ng malaking tulong sa mga komyuter upang mas magtiwala sa paggamit ng motorcycle taxis bilang abot-kaya, ligtas, at maaasahang transportasyon.

MOTORCYCLE TAXI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with